Ipinahayag kahapon ni Abu Yousef, miyembro ng Executive Committee ng Palestinian Liberation Organization(PLO), na tatalakayin ng Konsehong Lehislatibo ng PLO sa ika-26 ng buwang ito ang mga katugong hakbangin na posibleng isagawa ng Palestina, pagkaraang mabigo ang kasalukuyang talastasang pangkapayapaan sa pagitan ng Palestina at Israel. Kasama sa mga tatalakayin ay ang paglansag sa Palestinian Authourity(PA).
Aniya, kung lalansagin ang PA, ang Palestina ay magiging isang sinakop na bansa ng Israel, na magiging isang mabigat na presyur para sa nasabing bansa.
Nang araw rin iyon, binigyang-diin ng Palasyong Pampanguluhan ng Palestina na ang paglansag sa PA ay magiging isa sa mga hakbang ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, wala pa anitong pinal na desisyon hinggil dito.