Sinabi kahapon ng Ismail Haniyeh, Lider ng sangay ng Palestinian Islamic Resistance Movement (Hamas) sa Gaza Strip, na hinding hindi nila kikilalanin ang anumang kasunduang pangkapayapaan na mararating ng Palestinian Authority at Israel.
Sinabi niyang palagiang tinututulan ng Hamas ang kasalukuyang talastasang pangkapayapaan ng Palestina at Israel, sa ilalim ng pamumuno ng Amerika. Dagdag pa niya, hinding hindi nila isusuko ang mga nasasakupang teritoryo
Sa kasalukuyan, hinahanap ng Hamas at Palestine National Liberation Movement (Fateh), naghaharing partido ng Palestina, ang paraan kung paano sila magkakasundo. Pero ipinalalagay ng Hamas na walang kapangyarihan ng Fateh na kumatawan sa Hamas at ibang mga paksyon ng Palestina, para isagawa ang talastasang pangkapayapaan sa Israel.
Salin: Ernest