Ipinahayag kahapon sa Ram Allah ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina, na umaasa ang kanyang bansa na maisasakatuparan ang kapayapaan sa Israel.
Pagkatapos ng kanyang pakikipag-usap kay Laurent Fabius, Ministrong Panlabas ng Pransya, sinabi ni Abbas na buong sikap na sasamantalahin niya ang pagkakataon ng talastasang pangkapayapaan sa Israel para isakatuparan ang nabanggit na target.
Ipinahayag ni Fabius na mahalaga ang kapayapaan ng Israel at Palestina para sa katatagan ng Gitnang Silangan.
Inulit ni Abbas ang katapatan sa talastasang pangkapayapaan, at umaasa aniya siyang ipapakita ng Israel ang sariling kapatapan sa talastasan sa pamamagitan ng pagtigil ng konstrukasyon ng purok-panirahan ng mga Hudyo at pagpapalaya sa mga bilanggong Palestino.