Umalis ngayong araw ng Maynila patungo sa Hong Kong si Joseph "Erap" Estrada, dating Pangulo at kasalukuyang alkalde ng Maynila. Sa kanyang pagsagot sa tanong ng mga mamamahayag, ipinahayag ni Estrada na sa pagdalaw sa Hong Kong, hihingi siya ng paumanhin hinggil sa Hong Kong hostage crisis na naganap noong 2010.
Binigyang-diin ni Estrada na kahit naganap ang nasabing hostage crisis bago ang kanyang termino, bilang Alkalde, ikinalulungkot niya ang insidenteng ito. Aniya pa, umaasa siyang pananatilihin pa rin ang mainam na relasyon ng Maynila at Hong Kong, na may kasaysayan ng ilang siglo.
Salin: Andrea