Ipinahayag ngayong araw ni Chun-Ying Leung, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na nagsisikap pa rin ang HKSAR para matugunan ng Pamahalaan ng Pilipinas ang apat na kahilingan ng kamag-anakan ng mga biktimang taga-HK noong 2010 Manila Hostage Tragedy.
Kabilang sa mga kahilingan ay paghingi ng paumanhin ng Pamahalaang Pilipino, pagbibigay ng kompensasyon, pagparusa sa mga may kinalamang opisyal at pagsasagawa ng tumpak na hakbangin para maprotektahan ang mga turista.
Ipinagdiinan ni Leung na kapag may progreso hinggil sa pagtatalakayan ng HKSAR at Pamahalaang Pilipino, ipapaalam niya kaagad sa publiko.
Idinagdag niyang hindi inaalis ng HK ang posibilidad ng pagpapataw ng kakailanganing sangsyon laban sa Pamalaang Pilipino.
Salin: Jade