Sa isang pulong ng Konsehong Lehislatibo kagabi , ipinagtibay ng mga mambabatas ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ang mosyon para patawan ng sangsyong pangkabuhayan ang Pamahalaang Pilipino kaugnay ng 2010 Hostage Crisis.
Ipinagtibay rin nila ang mosyon para pansamantalang itigil ang visa-free access para sa mga Pilipino.
Sa kanyang talumpati sa nasabing pulong, sinabi ni Kalihim na Panseguridad TK Lai na, noong 2012, lumampas sa 70 libo ang turistang Pilipino sa HK at kung ititigil ang nasabing visa-free access, may posibilidad na bumaba nang malaki ang bilang ng mga turistang Pilipino sa rehiyon.
Salin: Jade