|
||||||||
|
||
Sinakop kahapon ng hapon ng ilang daang pro-Russian protestors ang television station building sa Donetsk, siyudad sa dakong silangan ng Ukraine. Hiniling nila sa TV station na magsahimpapawid ng mga programa ng Rusya.
Kasabay nito, patuloy pa rin ang pagsasanay-militar ng Rusya malapit sa hanggahan ng Ukraine.
Bilang tugon, napagkasunduan ng Group-7 na pag-iibayuhin nila ang sangsyon laban sa Rusya kaugnay ng kasalukuyang krisis sa Ukraine.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |