Ipinahayag kahapon sa Moscow ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na dapat itigil ang anumang aktibidad sa Kyev na labag sa kasunduang nilagdaan ng apat na may-kaugnayang panig sa Geneva, noong ika-17 ng buwang ito.
Winika ito ng Ministrong Panlabas ng Rusya sa isang preskon, pagkaraan ng pakikipag-usap sa kanyang counterpart sa Mozambique.
Ayon sa nasabing kasunduan, dapat agarang itigil ang marahas na sagupaan sa Ukraine, at panumbalikin ang normalisasyon ng bansang ito.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng awtoridad ng lalawigang Donetsk na ang mga tagasunod ng umano'y "Republikang Bayan ng Donetsk" ay ang may-kagagawan sa naganap na palitan ng putok sa kalunsurang Slaviyansk, at 3 sa kanila ang nasawi sa putukan, at 3 iba pa ang nasugatan.
Samantala, mahigpit na kinondena kahapon ang nasabing aksyon ng pamahalaan ng Ukraine at Rusya.