Nag-usap kahapon sa telepono sina Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at kanyang counterpart na si John Kerry mula sa Amerika hinggil sa kalagayan ng Ukraine.
Ayon sa ulat ng Ministring Panlabas ng Rusya, binigyang-diin ni Lavrov na dapat agarang isagawa ng pamahalaan ng Ukraine ang mga dokumento na narating sa Geneva na gaya ng pagkansela ng aksyong militar na nakatuon sa mga sibilyan, pag-aalis ng sandata ng mga makakanang ekstrimista, at pagpapalaya ng mga bilanggong demonstrador sa dakong Timog-silangan ng bansa.
Ito aniya ay para aktuwal na simulan ang reporma ng konstitusyon.
Ayon pa rin sa nasabing departamento, tinalakay din ng dalawang bansa ang posibilidad ng paggamit ng mga aksyong pandaigdig para lutasin ang isyung ito na gaya ng pagpapadala ng grupong tagamasid ng Organization for Security and Co-operation in Europe.
Salin: Ernest