Ipinahayag kahapon ni Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang kanyang kondemnasyon sa pagdakip at pagpigil ng mga tagamasid na militar ng Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE) sa silangang Ukraine. Hiniling nila sa mga may responsibilidad sa pagdakip na agarang palayain ang mga tagamasid nang walang kondisyon at walang kapinsalaan.
Noong nagdaang linggo, dinakip ng mga protestor ng Ukraine ang walong tagamasid ng OSCE sa dakong silangan ng bansa. Ang mga tagamasid ay ipinadala ng OSCE sa silangang Ukraine para i-monitor ang situwasyong pampulitika at panseguridad ng bansa. Sa kasalukuyan, napalaya na ang isa sa walong nadakip dahil may diabetes siya.
Salin: Jade