Ipinatalastas kahapon ng Amerika ang bagong sangsyon laban sa Rusya. Ayon sa sangsyon, i-pi-freeze ng Amerika ang ari-arian ng pitong matataas na opisyal ng Rusya at hindi rin sila bibigyan ng visa. I-pi-freeze din ang ari-arian ng 17 kompanya ng Rusya. Ginawa ito ng Amerika bilang tugon sa di-umano'y pakikialam ng Rusya, sa pamamagitan ng lakas, sa mga isyu ng Ukraine.
Nilagdaan kahapon ng Uniyong Europeo (EU) ang Memorandum of Understanding para ipagkaloob sa Ukraine ang tulong na pinansyal na nagkakahalaga ng isang bilyong Euro (1.38 bilyong U.S. dollars). Kasabay nito, nag-uusap din ang mga bansang Europeo hinggil sa pagpapataw ng bagong round ng sangsyon laban sa Rusya.
Bilang tugon, sinabi ng panig Ruso na sinumang naglulunsad ng ultimatum sa Rusya ay magbabayad para rito.
Salin: Jade