Habang nakikipagpulong sa Cheong Wa Dae, humingi kaninang umaga si Park Geun-hye, Pangulo ng Timog Korea ng paumanhin hinggil sa paglubog ng ferry boat na"Sewol."
Sinabi ni Park na hindi maagang naiwasan ng pamahalaan ang insidenteng ito, at hindi naging maayos ang paghawak sa mga suliranin. "Dahil sa paglubog ng 'Sewol,' nasawi ang maraming tauhan, at nagdulot ito ng labis na kalungkutan sa kanilang mga pamilya at mga kababayan. Kaya, nararamdaman ko rin ang kalungkutan." dagdag niya.
Ipinatalastas din ni Park na ang pagtatatag ng bagong departamento para hawakan ang grabeng insidente sa ilalim ng tanggapan ng Punong Ministro.
salin:wle