Ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea ang pagkondena sa katatapos na pagdalaw ni Pangulong Barack Obama ng Amerika sa 4 na bansa ng Asya. Anito, ang nasabing pagdalaw ay nagpapakita sa tangka ng Amerika na maghari-harian sa rehiyong Asya-Pasipiko. Dapat anitong mag-ingat ang komunidad ng daigdig.
Dagdag pa nito, igigiit ng H.Korea ang patakarang pagpapataas sa kakayahang nuklear. Hindi rin aalisin ng H.Korea ang posibilidad ng pagsasagawa ng panibagong nuclear test, dagdag pa ng nasabing ministri.