Sa paanyaya nina Punong Ministro Hailemariam Dessalegn ng Ethiopia, Kasalukuyang Tagapangulo Mohamed Ould Abdel Aziz ng Unyong Aprikano (AU), Tagapangulo Nkosazana Clarice Dlamini-Zuma ng Komisyon ng AU, Pangulong Goodluck Jonathan ng Nigeria, Pangulong José Eduardo dos Santos ng Angola, at Pangulong Uhuru Kenyatta ng Kenya, lumisan ngayong araw ng Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina para isagawa ang opisyal na pagdalaw sa naturang apat na bansang Aprikano at AU.
Sa kanyang pananatili sa Nigeria, dadalo rin si Premyer Li sa 2014 World Economic Forum on Africa na idaraos sa Abuja, kabisera ng bansang ito.