Pagkaraang dumalaw sa Ethiopia at punong himpilan ng African Union(AU), dumating kagabi si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Abuja,Nigeria para sa dalaw na pang-estado sa bansang ito.
Ipinahayag ni Premyer Li na ang Nigeria ay mahalagang katuwang na pangkooperasyon ng Tsina sa Aprika. Hinihintay aniya niya ang pakikipag-usap sa mga lider ng Nigeria hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan. Ito aniya'y makakatulong sa ibayo pang pagpapasulong ng tradisyonal na pagkakaibigan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.
Dadalo rin ang Premyer Tsino sa African Summit ng ika-24 World Economic Forum na idaraos sa Abuja.