Ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na ang kabuhayan at kultura ay dalawang pundamental na bagay ng kooperasyong Sino-Aprikano. Dapat aniya pasulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkultura ng dalawang panig para maigarantiya ang mabilis, matatag at malusog na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Aprika.
Dumalo kahapon si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa simposiyum ng kabuhayan at kultura ng Tsina at Aprika. Lumahok sa simposiyum na ito ang 30 kinatawan ng mga sektor ng mangangalakal, kultura at edukasyon ng Tsina, Ethiopia, Tanzania, Ghana, at Djibouti.
Sinabi ni Li na nagkokomplemento sa isa't isa ang pag-unlad ng Tsina at mga bansang Aprikano. Nakahanda ang bansang Tsina na pasiglahin ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Aprika, pagtatag ng mga pabrika at paglahok sa konstruksyon ng mga imprastruktura.
Umaasa aniya siyang ibayo pang pasusulungin ang pagpapalitan ng dalawang panig sa kultura, at siyensiya.