|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni dating Punong Ministro Tomiichi Murayama ng Hapon ang kanyang pagtutol sa collective self-defense right na pinasusulong ng Administrasyon ni Shinzo Abe.
Ipinahayag ni Murayama ang nasabing paninindigan sa isang aktibidad bilang paggunita sa pagpapalabas ng "Murayama Statement" halos dalawampung (20) taon na ang nakalipas.
Ipinagdiinan ni Murayama na iginigiit ng Kawanihan ng Lehislasyon ng Gabinete ng Hapon ang pagbabawal sa pagkakaroon ng karapatan sa collective self-defense. Samantala, tinatangka aniya ni Abe na isagawa ang nasabing karapatan sa pamamagitan ng pagsususog sa Konstitusyong Pangkapayapaan ng bansa.
Sinabi ni Murayama na ang ginagawa ng Administrasyon ni Abe ay taliwas sa diwa ng "Murayama Statement."
Ipinahayag ng Gabinete ni Murayama ang nasabing Statement noong ika-15 ng Agosto, 1995, kung saan humihingi ng paumanhin ang Hapon sa pagdurusang naranasan ng mga kapitbansang Asyano na dinulot ng militarismo ng Hapon noong World War II. Sa Statement, ipinangako rin ng Hapon na mataimtim na pagsisihan ang kasaysayan at iwasan ang muling pagkaganap ng kasaysayang mapanalakay.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |