Ipinahayag kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations ang kanyang pagbati kay president- elect Petro Poroshenko ng Ukraine. Umaasa si Ban na sa pamumuno ni Poroshenko, maisasakatuparan ng bansa ang katatagan at kasaganaan.
Winika ito ni Ban sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon kay Poroshenko.
Idinagdag ni Ban na napasigla siya ng pangako ni Poroshenko hinggil sa pagpapahupa ng kalagayang panloob ng Ukraine at pagpapasulong ng diyalogo ng iba't ibang may kinalamang panig sa loob at labas ng bansa.
Sa katatapos na halalang pampanguluhan ng Ukraine, nakuha ni Poroshenko ang mahigit 53.7% ng mga boto. Kasunod siya ni Dating Punong Ministro Yulia Tymoshenko na nakakuha lamang ng 13% ng mga boto.
Salin: Jade