|
||||||||
|
||
Napag-alaman ng mamamahayag mula sa may kinalamang panig na may apat na pangunahing bunga ang pagtutulungang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN nitong ilang taong nakalipas.
Una, nagsimula ang paghahanda para sa talastasan hingggil sa pag-a-upgrade ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN. Ito ang iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina noong Oktubre, 2013. Batay rito, inaasahang makapagtatalakayan ang dalawang panig hinggil sa ibayo pang pagbabawas ng taripa, pagsisimula ng bagong round ng talastasan tungkol sa kalakalan ng serbisyo at pagpapasulong ng ibayo pang pagbubukas ng mga larangan ng pamumuhunan. Kung gayun, tinatayang aabot sa isang trilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN.
Pangalawa, napabilis ng Tsina at ASEAN ang konektibidad ng imprastruktura. Kaugnay nito, iminungkahi ng Tsina na buksan ang Asian Infrastructure Investment Bank. Ang layunin nito ay pasulungin ang pamumuhunan sa mga impraestruktura na mag-uugnay ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Ikatlo, napasulong ng Tsina at ASEAN ang Pagtutulungang Pangkabuhayan ng Pan-Beibu Bay. Sumasaklaw ito sa Tsina, Biyetnam, Malaysia, Pilipinas, Indonesia, Singapore, at iba pa.
Ang pang-apat na natamong bunga ng Tsina at ASEAN sa kanilang pagtutulungang pangkalakalan ay ang pagdaraos ng China-ASEAN Expo o CAEXPO. Sinimulan ito noong 2004. Nagsisilbi ito ngayong pangunahing platapormang pangkooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |