Sa unang araw ng panunungkulan ni Petro Poroshenko bilang pangulo ng Ukraine, idinaos niya kahapon ang pulong sa pagitan ng Ukraine, Unyong Europeo at Rusya, upang talakayin kung paano maisasakatuparan ang plano ng kapayapaan sa dakong silangan ng Ukraine. Ipinahayag ni Poroshenko na ititigil ang aksyong militar sa dakong silangan sa katapusan ng linggong ito.
Binigyan-diin ni Poroshenko na ang pagpapanumbalik ng normal na pangangasiwa ng mga pamahalaan sa dakong silangan ng bansa ay ang pinakamahalagang gawain sa kasalukuyan.
Bukod dito, isang pagtitipon ang idinaos ng mga mamamayan sa Kiev. Hinihiling nila na agarang itakda ng parliamento at pangulo ang petsa ng pagdaraos ng halalang pamparliamento.
salin:wle