Patuloy na naganap kahapon ang armadong sagupaan sa pagitan ng tropa ng Pamahalaan ng Ukraine at sandatahang lakas lokal sa Donetsk at Luhansk sa dakong silangan ng bansa.
Sa sagupaan kahapon ng nasabing dalawang panig sa Donetsk, 18 ang namatay at 10 sa mga ito ang sibilyan.
Ang sagupaan ay nagpapahirap sa pamumuhay ng mga mamamayang lokal. Naputol na ang tubig sa apat na siyudad at anim na nayon sa Donetsk.
Hiniling sa Ukraine kahapon ni Valentina Matviyenko, Ispiker ng Federation Council, Mataas na Kapulungan ng Rusya, na itigil ang operasyong militar sa dakong silangan ng bansa. Bukod dito, ipinahayag din ng Rusya na upang mabigyan ng mga kinakailangang bagay ang mga refugee mula sa Ukraine, nagtayo ito ng istasyon sa hanggahan ng dalawang bansa.
Salin: Jade