Patuloy pa rin hanggang kahapon ang palitan ng putok sa pagitan ng tropang pampamahalaan at sandatahang lakas na kontra-gobyerno ng Iraq.
Ayon sa tagapagsalita ng panig militar ng Iraq, nitong nakaraang 24 oras, 279 na militante ang napatay ng tropang pampamahalaan. Aniya pa, tatlong bayan sa dakong hilaga ng bansa ang nabawi ng tropang pampamhalaan sa nasabing mga sagupaan.
Pero, dagdag niya, nasa kamay pa rin ng mga militante ang dalawang lunsod na Mosul at Tikrit sa dakong hilaga ng Iraq.
Salin: Jade