Tinukoy kamakailan ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina na masasabing lipos ng kompiyansa ang kanyang bansa na maisasakatuparan ang mga 7.5% na paglaki ng kabuhayan.
Sa bisperas ng pagdalaw niya sa Britanya, nagpalabas kamakailan si Li Keqiang ng artikulo sa pahayagang The Times ng Britanya na nagsasabing normal ang pagiging mabagal ng paglaki ng kabuhayang Tsino. Ito anya ay hindi isang problema at nakahanda ang pamahalaang Tsino na magsagawa ng pagsasaayos ng mga patakaran para maigarantiya ang katuparan ng target na 7.5% na paglaki ng kabuhayan.