Ipinahayag kahapon ng Pamahalaan ng Timog Korea ang balak nito na isapubliko ang White Paper hinggil sa Sex Slavery ng Hapon. Gagawin ito ng Timog Korea bilang protesta sa muling pagsusuri ng Pamahalaang Hapones sa Kono Statement.
Ayon sa Timog Korea, mababasa sa White Paper ang katotohanan hinggil sa sex slavery o comfort women ng Hapon noong World War II. Makakatulong anito ito sa pagkakaunawa ng komunidad ng daigdig hinggil sa isyu ng comfort women. Ito rin ay isang paraan para himukin ang Hapon na tumpak na pakitunguhan at hawakan ang isyung ito.
Inilabas kamakailan ng Administrasyon ni Shinzo Abe ang resulta ng muling pagsusuri sa Kono Statement. Ayon sa nasabing resulta, ang Pamahalaan ng Timog Korea ay nakialam di-umano sa pagpapahayag ng Kono Statement.
Ang Kono Statement ay opisyal na paumanhin na hiningi ni Chief Cabinet Secretary Yohei Kono noong 1993. Inamin ni Kono ang pangangalap ng Hapon ng mahigit 200,000 babae mula sa Korea, Tsina at ibang bansang Asyano bilang sex slave para sa mga sundalong Hapones noong WWII.
Salin: Jade