Ipinahayag ngayong araw ni Hishammuddin Hussein, Pansamantalang Ministro ng Transporasyon ng Malaysia, na kasalukuyan nang nag-uusap ang Malaysia, Tsina at Australia para isapubliko ang bagong lugar ng paghahanap sa Flight MH370 ng Malaysia Airlines sa malapit na hinaharap.
Nauna rito, ipinahayag kamakalawa ni Martin Dolan, Puno ng Australian Transport Safety Bureau (ATSB) na muling inaanalisa ng kanyang kawanihan ang mga natanggap na datos at impormasyon para maitakda ang bagong lugar ng paghahanap. Inaasahan aniyang ipapalabas ang resulta bukas.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade