Sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pandikar Amin Mulia, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Malaysia
Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay Pandikar Amin Mulia, dumadalaw na Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Malaysia, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na priyoridad sa diplomasya ng Tsina ang pakikipagtulungan sa mga karatig-bansa, kaya, lubusang pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungang pangkaibigan sa Malaysia. Umaasa aniya siyang ibayo pang pasusulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at Malaysia sa ibat-ibang larangan, bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Pandikar Amin Mulia na suportado ng Mababang Kapulungan ng Malaysia ang mga kasunduang narating ng dalawang pamahalaan, at gagawa ito ng positibong papel para mapatigay ang relasyong Sino-Malay.