SAMARA, Rusya--Ang mga kasunduang pangkabuhayan at pangkultura ay nalagdaan kamakailaan sa pagitan ng mga lugar sa kahabaan ng Ilog Yangtze ng Tsina at Ilog Volga ng Rusya.
Ang nasabing mga kasunduan ay bunga ng isang porum na pangkooperasyon ng Tsina at Rusya na binuksan nitong nagdaang Lunes. Magkasamang nangulo sa porum sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Mikhail Babich, Sugo ng Pangulong Ruso sa Volga Federal District.
Ipinahayag ni Yang na ang nasabing porum ay isa pang hakbang ng Tsina at Rusya para matupad ang narating na komong palagay nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa kanilang pagtatagpo sa isang pulong sa Shanghai nitong nagdaang Mayo.
Ipinagdiinan din ni Yang na ang pagpapalitang pangkultura ay mahalagang bahagi ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya. Kaya, 150 kabataang Ruso mula sa rehiyon ng Volga ang iimbitahan niya aniya para bumisita sa gitna at mataas na bahagi ng Ilog Yangtze sa susunod na taon.
Sinabi naman ni Babich na kailangang magkasamang magsikap ang Rusya at Tsina para mapasulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon at pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Jade