Sa kaniyang artikulo na ipinalabas ngayong araw, ipinahayag ni Daw Yin Yin Oo, Pangalawang Puno ng Strategic and Policy Studies Department ng Ministring Panlabas ng Myanmar, na ang mga diplomatikong patakaran ng kanyang bansa ay itinakda batay sa "Limang Pinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan" na gaya ng paggalang sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng isa't isa, di-pagsasalakayan, di-pakikialam sa mga suliraning panloob, pagkakapantay-pantay na may-mutuwal na kapakinabangan, at mapayapang pakikipamuhayan.
Ang Limang Pinsipyo ng Mapayapang Pakikipamuhayan ay kauna-unahang isinulong ng Tsina, India at Myanmar noong nakaraang 60 taon, bilang saligang prinsipyo sa paghawak ng mga bilateral at multilateral na relasyon sa buong daigdig.
Ngayong taon ang ika-60 anibersaryo ng pagpapatalastas ng nabanggit na limang prinsipyo. Ipinahayg ni Daw Yin Yin Oo na sa hinaharap, ang naturang limang prinsipyo ay patuloy na gagamitin bilang saligang prinsipyo ng relasyong pandaigdig at batas na pandaigdig.
Umaasa aniya siyang patuloy na igigiit ng komunidad ng daigdig ang limang prinsipyo ng mapayapang pakikipamuhayan para maitatag ang isang matatag, mapayapa at masaganang daigdig.
Salin: Ernest