|
||||||||
|
||
CANBERRA, Australia—Ipinahayag kahapon ng Australia ang bagong lugar ng paghahanap sa Flight 370 ng Malaysia Airlines.
Magkasamag ipinatalastas ito nina Pangalawang Punong Ministro Warren Truss at Martin Dolan ng Transport Safety Board ng Australia.
Anila, naitakda ang bagong lugar ng paghahanap batay sa analisa ng isang expert satellite working group sa lahat ng mga natanggap na datos at impormasyon.
Ang bagong lugar na may saklaw na humigit-kumulang 60 libong kilometro kuwadrado, ay matatagpuan sa timog ng pook kung saan nagsagawa ng misyon ng paghahanap ang mini-submarine Bluefin-21. Ang lugar ay 1,800 kilometro ang layo mula sa baybayin ng kanlurang Australia.
Sinabi ni Truss na malaki ang posibilidad na lumilipad nang naka-autopilot ang MH370 hanggang sa naubusan ng gasolina at bumagsak sa karagatan.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Jade
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |