Isang hukuman ng Timog Korea ang nagpalabas kahapon ng warrant of arrest para sa isang pulitikong Hapones dahil sa kanyang pagdungis sa dangal ng mga babaeng Timog Koreano na naging biktima ng sexual enslavement sa ilalim ng pananakop ng Hapon.
Inilabas ng Seoul Central District Court ang arrest warrant laban sa 49-na-taong-gulang na si Nobuyuki Suzuki, miyembro ng isang ultra-right na partido ng Hapon. Tumangging humarap sa hukuman si Suzuki sapul noong Setyempre, 2013, dahil sa reklamo ng pagdungis sa dangal ng mga "comfort women", isang eupimismo para sa mga babaeng pinilit maging sex slave ng mapanalakay na hukbong Hapones noong World War II.
Isinakdal si Suzuki dahil inilagay niya ang isang istakang kahoy kuang saan nakasulat ang "teritoryo ng Hapon ang Takeshima," sa kabila ng istatuwang bronse sa harap ng Pasuguan ng Hapon sa Seoul bilang paggunita sa "comfort women."
Ang Takeshima, na tinatawag na Dokdo ng Timog Korea, ay mga isla na matatagpuan sa pagitan ng Timog Korea at Hapon. Matagal nang nagtatalo hinggil sa nasabing mga isla ang dalawang bansa.
Salin: Jade