Ipinahayag kahapon ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na ang pangmatalagang kapayapaan sa Ukraine ay hindi dapat isakatuparan sa pamamagitan ng digmaan. Sinabi pa ni Putin na ikinalulungkot niya ang kapasiyahan ni Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine na panumbalikin ang aksyong militar sa dakong silangan ng bansang ito.
Dagdag ni Putin na noong panahon ng tigil-putukan, hindi isinagawa ng pamahalaan ng Ukraine ang talastasan hinggil sa paglutas ng krisis. Kaya aniya ang kapasiyahan ni Poroshenko ay isang ultimatum na nakatuon sa sibilyang sandatahang lakas sa dakong silangan ng bansa.
Bukod dito, nag-usap sa telepono sina Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, hinggil sa isyu ng Ukraine. Sinabi ni Lavrov na ang pagpapanumbalik ng pamahalaan ng Ukraine ng aksyong militar sa dakong silangan ng bansa ay nakapinsala sa nagkakaisang posisyon na narating ng Rusya, Ukraine, Pransya, at Alemanya. Ito aniya ay magdudulot ng bagong round ng madugong sagupaan sa Ukraine.