|
||||||||
|
||
Ngayong taon ay ika-77 anibersaryo ng komprehensibong pananalakay sa Tsina ng militarismo ng Hapon noong World War II. Simula kahapon, isinapubliko online ng Tsina ang nakasulat na pag-amin ng 45 kriminal-ng-digma na Hapones.
Ang unang pag-amin na ipinalabas ng State Archives Administration ng Tsina ay galing kay Suzuki Keiku, Asistenteng Komander ng Ika-28 Infantry Regiment at tapos Lieutenant General at Komander ng Ika-117 Division ng Hukbong Hapones. Ang scanned copy ng nakasulat na pag-amin ay naka-post online, kasama ang salin sa wikang Tsino at Ingles.
Ayon kay Li Minghua, Pangalawang Direktor ng nasabing Administration, nagpaplano silang ipalabas ang pag-amin ng mga kriminal-ng-digma isang kopya bawat araw.
Mababasa sa 38-pahinang pag-amin ni Suzuki ang mahigit 20 krimen na ginawa niya na kinabibilangan ng pamamaslang sa mga sibilyang Tsino, paglulunsad ng bacterial war, sapilitang pangangalap ng mga sex slaves at iba pa.
Mula noong 1950 hanggang 1956, 1109 na kriminal-ng-digma na Hapones ang naditene sa Tsina. Ang 1017 sa kanila na may minor offenses ay pinalaya noong 1965. Samantala, 45 ang sumailalim sa military trials ng Kataas-taasang Hukumang Bayan ng Tsina.
Hinatulan sila ng mga sakdal na kinabibilangan ng pagpaplano at pagsasagawa ng patakarang mapanalakay, paggawa ng germ weapons, paggamit ng nakalalasong gas, paglulunsad ng bacterial experiment sa mga tao, pamaslang, pandarambong, sapilitang pangangalap ng "comfort women", eupimismo para sa sex slaves, panggagahasa at iba pa.
Hinatulan din sila ng 8 hanggang 20 taong pagkabilanggo.
Ipinagdiinan ni Li na ang layunin ng pagpapalabas ng kanyang Administration ng mga pag-amin ay hindi para magpahayag ng pagkakapoot, kundi para maiwasan ang muling pangyayari ng trahediya.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |