|
||||||||
|
||
Idaraos bukas at samakalawa ng Tsina at Amerika ang kanilang Ika-anim na Diyalogong Estratehiko at Ekonomiko at Ika-limang Pagsasanggunian sa Pagpapalitang Pantao o People-to-People Exchange sa Mataas na Antas.
Idinaos kahapon ng mga kaukulang ministri ng Tsina ang news briefing hinggil dito.
Ayon sa news briefing, sa gaganaping diyalogong estratehiko, tatalakayin ng dalawang panig ang mga isyu na gaya ng patakarang panloob at panlabas sa pagbabago ng klima, siyensiya't inobasyon, Sudan at Timog Sudan, misyong pamayapa ng UN, ilegal na kalakalalan ng hayop at halaman at interaksyon ng mga miyembro ng Asya-Pasipiko.
Pagtutuunan ng pansin ng idaraos na diyalogong pangkabuhayan sa macro-economy; kooperasyon sa pamumuhunan, kabuhayan at pinansya.
Kabilang sa mga pangunahing paksa ng gaganaping konsultasyon sa pagpapalitang pantao ay ang kooperasyon sa edukasyon, agham, kultura, isports, at pagpapalitan ng kababaihan at kabataan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |