Nilagdaan kahapon ng hapon sa Fortaleza ng Brazil ng mga bansang BRICS na kinabibilangan ng Brazil, Russia, India, China at South Africa, ang mga dokumentong pangkooperasyon hinggil sa pagtatatag ng New Development Bank ng BRICS.
Dumalo sa seremonya ng paglalagda sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Dilma Rousseff ng Brazil, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Pangulong Jacob Zuma ng Timog Aprika, at Punong Ministro Narendra Modi ng India.
Ang nilalaman ng naturang mga dokumento ay kinabibilangan ng kooperasyon at inobasyon ng bangko, pagtatag ng sistema ng emergency reserve, at kabuuang bolyum ng pautang.
Salin: Ernest