GENEVA, Switzerland--Nagpulong kahapon at kamakalawa ang Komite sa Karapatang Pantao ng UN para suriin ang ika-6 na regular na ulat ng Hapon hinggil sa pagpapatupad nito sa Pandaigdig na Kasunduan hinggil sa mga Karaptang Sibil at Pulitikal (International Covenant on Civil and Political Rights). Ang isyu ng sex slaves o eupemismo sa "comfort women" ay naging pangunahing paksa.
Tinukoy ni Zonke Zanele Majodina, miyembro ng nasabing Komite ng UN, na sa inihain na ika-anim na ulat ng Hapon, wala itong nabanggit kung may isasabalikat na responsibilidad na pambatas ang Hapon hinggil sa isyu ng "comfort women." Wala rin itong nabanggit kung may isinagawa o isasagawang hakbanging legal at administratibo ang Hapon para pagkalooban ng kompensasyon ang "comfort women."
Salin: Jade