Kahapon, sa Brasilia, nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Luis Guillermo Solís Rivera, Pangulo ng Costa Rica, Tagapangulong Bansa ng Community of Latin American and Caribbean States o CELAC; at Raúl Castro, Tagapangulo ng Komisyon ng mga Surilaning Pang-estado ng Cuba, Dating Tagapangulong Bansa ng CELAC; at Rafael Correa, Pangulo ng Ecuador, susunod na Tagapangulong Bansa ng CELAC; at Gaston Browne, Punong Ministro ng Antigua and Barbuda, Tagapangulong Bansa ng Caribbean Community (CARICOM).
Sa naturang pagtatagpo, tinukoy ni Pangulong Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa CELAC. Ang naturang 4 na bansa ay mabuting kaibigan ng Tsina. Umaasa aniya siyang sa hinaharap, lalo pang mapapalakas ng dalawang panig ang koordinasyon at kooperasyon para maayos na maidaos ang Kauna-unahang Pulong na Ministeryal ng Porum ng Tsina at CELAC na idaraos dito sa Beijing sa susunod na taon.
Ipinahayag ng mga lider ng naturang 4 na bansa ang pagbati sa matagumpay na pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at CELAC. Ipinahayag nila na ang paglahok ni Pangulong Xi ay lubos na nagpapakita ng pakikipagkaibigan at paggalang ng Tsina sa Latin Amerika.
Salin:Sarah