Idinaos kahapon sa Brasilia ang diyalogo ng mga lider ng Brazil, Rusya, India, China at South Aprika (o tinatawag na BRICS) at mga bansa ng Timog Amerika. Magkakasamang dumalo sa naturang diyalogo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Dilma Rousseff ng Brazil, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, Punong Ministro Narendra Modi ng India, Pangulong Jacob Zuma ng Timog Aprika, Pangulong Desiré Delano Bouterse ng Suriname, Pangulong Cristina Fernandez de Kirchner ng Argentina, Pangulong Evo Morales ng Bolivia, Pangulong Juan Manuel Santos ng Columbia, Pangulong Michelle Bachelet ng Chile, Pangulong Fernandes Correia ng Ecuador, Pangulong Donald Ramotar ng Guiana, Pangulong Horacio Cartes ng Paraguay, Pangulong Ollanta Moisés Humala Tasso ng Uruguay, Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela at iba pa.
Tinalakay ng mga lider ang tema ng sustenableng solusyon sa inklusibong paglaki at pagpapalakas ng kooperasyon ng BRICS at mga bansa ng Timog Amerika.
Salin: Vera