|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Vladimir Groisman, Pangalawang Punong Ministro ng Ukraine na narating nila at ng mga militante sa dakong silangan ng bansa ang kasunduan hinggil sa paglilipat ng bangkay ng mga pasahero at tripulante ng bumagsak na Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Idinagdag pa ni Groisman na sinusuperbisa ng mga dalubhasa ng Ukraine at tagamasid ng Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE) ang nasabing paglilipat.
Ayon sa Pambansang Kawanihan sa Situwasyong Pangkagipitan ng Ukraine, hanggang kahapon ng umaga, 196 na bangkay ang natuklasan. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang paghahanap sa ibang mga bangkay.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong nagdaang Huwebes habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tripulanteng sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |