Kaugnay ng mga susunod na gawain hinggil sa insidente ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, ipinahayag kahapon ni Mark Rutte, Punong Ministro ng Netherlands, na ang kasalukuyang pangunahing gawain ay paghahanap sa mga labi ng lahat ng mga pasahero ng eroplano. Bukod dito, hinimok din niya si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na gumanap ng papel para rito.
Sa telepono, nagpalitan ng palagay sina Putin, at Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya, hinggil sa insidenteng ito. Kapwa nila ipinalalagay na dapat magpadala ng indipindiyenteng grupo ang International Civil Aviation Organization (ICAO) para suriin ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing eroplano. Bukod dito, narating nila ang nagkakaisang posisyon sa pagpapasulong ng diyalogo sa pagitan ng pamahalaan ng Ukraine at mga armadong grupo sa bansa para isakatuparan ang tigil-putukan.
Nag-usap sina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, at kanyang counterpart na si Sergei Lavrov mula sa Rusya, hinggil sa kalagayan ng Ukraine. Sumang-ayon sila sa pagsasagawa ng bukas, at makaturungang imbestigasyon sa insidente ng pagbagsak ng Flight MH17.
Salin: Ernest