![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Ayon sa pahayag kahapon ng Pambansang Kawanihan sa Situwasyong Pangkagipitan ng Ukraine, pinalawak sa 50 kilometro kuwadrado, mula sa 32 kilometro kuwadrado ang saklaw ng paghahanap sa mga bangkay ng pasahero at tripulante ng bumagsak na Flight MH17 ng Malaysia Airlines. Walong daang (800) tauhan ang kasali sa paghahanap sa Donetsk,sa dakong silangan ng bansa
Ipinahayag kahapon ni Vladimir Groisman, Pangalawang Punong Ministro ng Ukraine na narating nila at ng mga militante sa dakong silangan ng bansa ang kasunduan hinggil sa paglilipat ng mga bangkay.
Hanggang sa kasalukuyan, 192 bangkay at 8 labi ang natuklasan.
Ipinahayag naman kahapon sa Twitter ng mga militante ng Ukraine na nahanap na nila ang black box ng MH17 at ipinadala na ito sa Donetsk.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong nagdaang Huwebes habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tripulanteng sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |