Kaugnay ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, magkakahiwalay na nakipag-usap sa telepono si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya kina Punong Ministro David Cameron ng Britanya, Punong Ministro Tony Abbott ng Australia, Punong Ministro Mark Rutte ng Netherlands at Chacellor Angela Merkel ng Alemanya.
Napagkasunduan ng limang lider na magbibigay-tulong sa imbestigasyon ng International Civil Aviation Organization(ICAO) hinggil sa nasabing insidente. Ipinangako rin nilang iwasang magpahayag ng madalian at di-responsable bago matapos ang imbestigasyon.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong nagdaang Huwebes habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tripulanteng sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade