Pinagtibay kahapon ng UN Security Council (UNSC) ang resolusyon bilang kondemnasyon sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines at hiniling din nito sa iba't ibang panig na makipagtulungan sa pandaigdig na imbestigasyon.
Batay sa nasabing resolusyon, ipinahayag ng UNSC ang pagkatig sa imbestigasyon ng International Civil Aviation Organization (ICAO) sa trahediya. Hiniling din ng UNSC sa sandatahang lakas na kumokontrol sa lugar ng pagbagsak na pahintulutan ang pagpasok ng mga imbestigador at tiyakin ang kaligtasan ng mga imbestigador.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong nagdaang Huwebes habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tripulanteng sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade