Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Black box ng MH17, ibinigay sa Malaysia ng sandatahang lakas ng Donetsk

(GMT+08:00) 2014-07-22 11:45:52       CRI

Dalawang black box ng bumagsak na Flight MH17 ng Malaysia Airlines ang ibinigay noong madaling araw sa Malaysia ni Alexander Borodai, Pinuno ng Donetsk sa dakong silangan ng Ukraine kung saan bumagsak ang eroplano.

Sinabi ni Borodai na batay sa Memorandum of Understanding na nilagdaan nila ng Malaysia, kailangang ibigay ng Malaysia ang mga black box sa International Civil Aviation Organization (ICAO), organisasyong namamahala sa imbestigasyon ng pagbagsak ng eroplano.

Kinumpirma ito ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia sa isang preskon ngayong madaling araw sa Putrajaya.

Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong nagdaang Huwebes habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tripulanteng sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>