Dumating kahapon sa Kharkiv ng Ukraine ang tren na nagdala ng mga bangkay ng mga nasawing pasahero ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines para isagawa ang inisiyal na pagkilala sa mga nasawi. Pagkatapos nito, ihahatid ang mga bangkay sa Netherlands para isagawa ang masusing pagsusuri.
Bukod dito, tinanggap ng Malaysia ang black box ng MH17.
Ipinahayag kahapon ni David Cameron, Punong Ministro ng Britanya, na sumang-ayon ang kanyang bansa sa aplikasyon ng Netherlands para suriin ng Air Accidents Investigation Branch (AAIB) ang black box ng MH17 at malaman ang dahilan ng pagbagsak ng eroplanong ito.
Pero hindi pa inilabas ng Malaysia ang araw ng paglipat ng black box sa Britanya.
Salin: Ernest