|
||||||||
|
||
BEIJING, Tsina—Sa ngalan ng Pamahalaan at mga mamamayang Tsino, nagtungo sa Pasuguan ng Malaysia sa Tsina si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, para magpahayag ng pakikiramay sa mga nasawi sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Ipinahayag ni Liu na ikinagimbal at ikinalungkot ng sambayanang Tsino ang pagbagsak ng nasabing eroplano. Kinakatigan aniya ng Tsina ang nagsasarili, makatarungan at obdyektibong imbestigasyon ng komunidad ng daigdig kung saan ang International Civil Aviation Organization (ICAO) ang gumaganap ng pangunahing papel. Bilang matalik na kapitbansa, nakahanda ang Tsina na magbigay ng kakailanganing suporta at tulong sa Malaysia.
Ipinahayag naman ni Iskandar Sarudin, Sugong Malay sa Tsina ang kanyang pasasalamat sa pakikiramay ng panig Tsino. Ipinahayag din niya ang kanyang kahandaan na makipagtulungan sa komunidad ng daigdig para matiyak ang pagiging transparent at makatarungan ng imbestigasyon at sa gayon, ikakatahimik ng kaluluwa ng mga nasawi.
Bumagsak ang MH17 sa dakong silangan ng Ukraine sa hanggahan ng Rusya nitong noong ika-17 ng buwang ito habang lumilipad mula sa Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Namatay ang lahat ng 283 pasahero at 15 tauhan sakay ng eroplano. Tatlong Pinoy ang kabilang sa listahan ng mga nasawi.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |