Ipinahayag ngayong araw ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na ipinasiya na ng pandaigdig na grupo ng imbestigasyon na pinamumunuan ng Netherlands na ipapadala ang dalawang black box ng MH17 sa Air Accidents Investigation Branch ng Britanya para sa pag-susuri.
Nagpulong kahapon sa Brussels ang mga ministrong panlabas ng mga kasaping bansa ng Unyong Europeo (EU). Nanawagan silang isagawa ang makatarungan at nagsasariling imbestigasyon sa insidente ng pagbagsak ng MH17.
Hinimok din ng EU ang Rusya na magpataw ng presyur sa mga di-pampamahalaang armadong organisasyon sa Silangang Ukraine tungkol sa aftermath work at gawain ng imbestigasyon ng naturang insidente. Hiniling din nila sa Rusya na itigil ang pagpapadala ng sandata at pasilidad sa nabanggit na mga di-pampamahalaang armadong organisasyon, at pigilin ang kanilang transnasyonal na aktibidad. Kung hindi isasakatuparan ng Rusya ang nasabing mga kahilingan, itatakda ng EU ang bagong sangsyon sa Rusya.
Ipinahayag naman ni Vladimir Chischov, Embahador ng Rusya sa EU, ang pag-asang hindi gagawing isyung pulitikal ang insidente ng pagbagsak ng MH17.
Salin: Vera