Kinumpirma kahapon ng British Air Accidents Investigation Branch (AAIB) na ang dalawang black box ng bumagsak na Flight MH17 ng Malaysia Airlines ang naihatid na sa kanila ng Netherlands. Ang mga dalubhasa ng AAIB ay mag-do-download at mag-aanalisa ng mga datos ng dalawang black box.
Samantala, sa Ukraine, magkakasamang nagdaos ng seremonya ng pagluluksa para sa mga nasawi sa pagbagsak ng eroplano ang Ukraine, Netherlands, Malaysiya at iba pang mga organong dayuhan na nakatalaga sa Ukraine. Ipinahayag ng Ukraine na matatapos ang paglilipat mula sa Ukraine ng lahat ng mga bangkay at labi ng mga nasawi bago ang araw ng bukas.
Itinakda ng Netherlands ang ika-23 ng buwang ito bilang pambansang araw ng pagluluksa para sa mga nasawi sa pagbagsak ng MH17.
Sa isang may kinalamang development, ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Rusya ang kondemnasyon sa di-umano'y patuloy na paggamit ng Ukraine ng dahas na nakatuon sa lugar ng pagbagsak ng eroplano at sa walang batayang akusasyon laban sa Rusya. Hinimok ng Rusya ang mga nagtutunggaling panig sa Ukraine na itigil ang putukan para suportahan ang pandaigdig na imbestigasyon sa trahediya.
Salin: Jade