Nasa Paris na si Yingluck Shinawatra, dating Punong Ministro ng Thailand para magbakasyon sa Europa.
Ayon sa media ng Thailand at litrado na inilabas sa social media ng anak ni Thaksin Shinawatra, kapatid ni Yingluck at dating Punong Ministro ng Thailand, nagtagpo sa Paris ang naturang magkapatid.

Lumisan kahapon ng madaling araw ng Thailand si Yingluck Shinawatra papunta sa Europa. Bago siya lumisan, ipinangako ni Shinawatra na babalik siya sa bansa.
Ayon sa kanyang asistente, babalik si Yingluck sa Thailand sa ika-10 ng Agosto.