Kapuwa ipinalagay kahapon ng Rusya at Amerika na kailangang isakatuparan ang agarang tigil-putukan sa Ukraine.
Ipinahayag nina Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya at Kalihim ng Estado John Kerry ng Amerika ang nasabing paninindigan sa pag-uusap sa telepono. Hinimok din nila ang nagtutunggaliang panig sa Ukraine na mag-usap sa lalong madaling panahon, batay sa dokumento na narating ng Rusya, Amerika, Ukraine at Uniyong Europeo, sa Geneva noong ika-17 ng Abril.
Ipinahayag din ni Lavrov na inimbitahan na ng Rusya ang mga tagamasid ng Organization for Security and Cooperation in Europe (OSCE) para suriin sa mga checkpoint sa Gukovo at Donetsk sa hanggahan ng bansa. Ipinahayag din niya ang pag-asang makakarating ng maalwan ang mga tagamasid sa nasabing mga pook.
Salin: Jade