Ipinahayag kahapon nina Vladimir Putin, Pangulo ng Rusya at Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya na dapat agarang panumbalikin ang pagsasanggunian ng Negotiating Group ng Ukraine, Rusya at Organization for Security and Co-operationin in Europe(OSCE).
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng Presidential Press Office ng Rusya, ipinahayag nina Putin at Merkel sa Rio de Janeiro, Brazil na lumalala ang kalagayan sa Ukraine, at dapat mapanumbalik ang pagsasanggunian ng Negotiating Group ng 3 panig. Ipinahayag din ng nasabing mga lider na dapat maisakatuparan ang tigil-putukan ng dalawang nagsasagupaang panig ng Ukraine at magpalitan ng mga hostage sa lalong madaling panahon.
salin:wle